Solo Parenting & Self-care ​

By Alesandra Adam

Kapag lagi kang pagod at ubos ang energy, naaapektuhan hindi lang ikaw kundi pati ang pamilya mo. Madaling ma-burnout, ung tipong lagi kang malungkot, hirap matulog, nawawalan ng gana, o mabilis mairita. Pero kapag inaalagaan mo ang sarili mo, mas nagiging present, patient, at masaya kang magulang. Mas may energy ka rin para sa mga anak mo.

Sabi ni Dr. Borland, kailangan marunong mag-prioritize ng self-care ang tao, pero para sa mga magulang, madalas itong napapabayaan. Mula noong pandemya, mas tumaas ang pressure na nararamdaman ng mga magulang na gawin ‘lahat para sa lahat’ sa lahat ng oras, at ito ang nagdudulot ng tuloy-tuloy na pagod, emotionally at physically.

Kapag hindi mo inalagaan ang iyong sarili, maari kang makaranas ng burnout at iba’t-ibang pang sintomas kagaya ng:

  • Malungkot, hopeless, o parang "emptiness"
  • Depression.
  • Problema sa tulog (sobra o kulang)
  • Pagbabago sa pagkain o gana kumain
  • Nawawalan ng gana sa mga dating kinagigiliwan
  • Pagkakaroon ng harmful o suicidal thoughts

 

Sabi nga, kapag masaya at healthy ka, mas nagiging masaya at attentive ka ring magulang. Imbis na laging pagod at madaling mairita, mas may energy ka para makasama ang mga anak mo, kahit simpleng lakad o activities kasama sila.

Kaya subukan mong alisin yung guilt sa kagustuhan na magpahinga. Hindi mo lang ito deserve dahil kailangan mo talaga ito. Kapag inalagaan mo ang sarili mo, may magandang epekto rin ito sa buong pamilya mo.

Mga simpleng paraan para mag-practice ng self-care:

  • Tanggapin na mahirap ang parenting
  • Aminin mo sa sarili mo na isa sa mahirap na trabaho ay ang magpalaki ng anak. Normal lang mapagod. Be kind to yourself dahil ginagawa mo ang best mo. Ang self-care ay nagsisimula sa pagbibigay compassion sa sarili.
  • Unahin ang basic needs mo
  • Kapag nagiging hectic na ang buhay, huwag kalimutan na kumain ng maayos, uminom ng tubig, at matulog ng sapat.
  • Madaming paraan ang self-care
  • Hindi kailangan magastos o madaming ginagawa—kahit quick bath, 5-minute rest, o konting “me time” sa cellphone ay okay na bilang paraan ng self-care. Ang self-care para sa magulang ay mga bagay na nagpapasaya at nagpaparelax sa’yo.

4. Humingi ng tulong

  • Hindi mo kailangang na lagi kang mag-isa. Humingi ka ng tulong sa pamilya mo o mga kaibigan. Isa ring paraan ng self-care ang paghingi ng tulong kapag ikaw ay nahihirapan.

5. Maging good example sa mga bata

  • Kapag nakikita nilang inaalagaan mo sarili mo, natututo rin sila ng healthy habits. Ang pag practice mo ng self-care ay matututunan din ng iyong pamilya.

6. Tanggapin ang limits mo o kung hanggang san mo lang kaya

  • Part of avoiding burnout is understanding you can’t do everything alone. Learn your stress limits and don’t feel ashamed when you reach them. Focus on managing burnout and creating a plan to prevent it from coming back.

7. Makipag-ugnayan sa kapwa magulang

  • Sa paraan ng social media at support groups, makipag-connect sa ibang mga magulang na may mga similar na karanasan. Ang pakikinig sa ibang karanasan ay makakatulong na bigyan ka ng suporta at perspektibo, dahil nakakatulong na may nakakaintindi sa’yo. Ang self-care para sa magulang ay ang pagbuo ng komunidad na nakakaintindi sa’yo, pamilya, kaibigan, at kapwa magulang. Humingi ka ng tulong kapag kailangan.

8. Maglaan ng oras sa mga ibang kaibigan

  • Maganda rin na mag laan ng oras kasama ang mga kaibigan na kilala ka rin sa labas ng pagiging magulang mo. Ang simpleng lakad, isang tawag, o pag-inom ng kape sa labas kasama sila ay pwede kang paalahanan na ang pagiging magulang mo ay isa lamang na parte ng pagkatao mo. Hindi lang ikaw magulang, tao ka rin. Ang self-care para sa mga magulang ay ang pag maintain ng balanse sa buhay at pag-alala sa sariling kapakanan.