Ang pagiging magulang ay maaaring lubos na nakapagpapasaya, pero maaari mo rin mararamdaman na nakakapagod ito pero hindi mo maipaliwanag. Maraming mga magulang ang dumadaan sa ganitong halo ng emosyon, at ayos lang na aminin na may mga pag-kakataon talaga na mabigat ang stress. Basahin ang artikulong ito upang mas maunawaan ang iyong emosyonal na kalagayan.
Iniulat ni: Ali Adam 4-min read
Sa artikulong ito, mas maiintindihan ng mga magulang na normal lang talaga yung stress, pagod, at halo-halong emosyon na nararamdaman nila. Nagbibigay din ito ng mga praktikal na paraan kung paano i-handle ang mga ganitong feelings sa mas healthy at maayos na paraan. Ina-encourage din nito ang mas positive at hindi nakakasakit na paraan ng pagdidisiplina, pinapalakas ang emotional connection sa mga anak, at pinaaalalahanan ang mga magulang na alagaan din ang sarili nila. Sa kabuuan, nakakatulong itong magbigay ng kumpiyansa, bawasan ang guilt, at gumawa ng mas kalmado at mas maalagang environment sa bahay, para sa magulang at anak.
Ang pagiging magulang ay napaka-rewarding, ngunit maari rin ito maging nakakapagod at puno ng stress. Nagdadala ito ng iba’t ibang emosyon—joy, pride, frustration, guilt, and exhaustion—at lahat ng ito ay ganap na normal. Paminsan-minsan, maraming magulang ang nakakaramdam ng pagiging overwhelmed, at ipinapakita ng mga pag-aaral na madalas silang nakakaranas ng mas mataas na stress kumpara sa mga taong walang anak. Kapag naiipon ang stress, maaari itong humantong sa burnout, pakiramdam na ubos na ubos ka na tipong parang wala ka sa sarili mo, o parang walang sapat sa mga ginagawa mo. Lahat ng magulang ay may mahihirap na araw, at ang pagbabahagi ng iyong mga karanasan sa iba ay makakatulong para maalala mong hindi ka nag-iisa. Ang pinakamahalaga ay ang pagbuo ng isang mapagmahal at may respeto na relasyon sa iyong anak, dahil natututo sila sa iyo, kung paano ka magpahayag ng emosyon, pagresolba ng problema, at makitungo sa iba.
Physical discipline o pisikal na paraan ng pag disiplina ay maaring makasakit o magdulot ng takot sa mga bata dahil hindi naman talaga nila naiintindihan ang ibig sabihin ng disiplina. Pwede rin ito magbigay ng mensahe na ang violence o pagiging bayolente ay ang tamang paraan sa pakikitungo sa ibang tao. Madalas ipakita ng mga bata ang kanilang nararamdaman sa kanilang pag-uugali, at kapag ang magulang ay stressed, mas mahihirapan silang intindihin ang gusto nilang iparating.
Ang paghingi ng tulong at suporta, pati na ang pagpapalibot sa sarili ng mga positibong tao, ay malaking tulong para sa mga magulang. Kahit ang simpleng pagpapahinga ay mahalaga. Kapag ikaw ay napupuno na ng stress at galit, maglaan ng ilang minuto para magpahinga, siguraduhin na nasa mabuting lugar ang iyong anak, huminga ng malalim, at tawagan ang taong malapit sa’yo na maaring makatulong sa’yo.
Ang pagaalaga sa sarili ay hindi pagiging makasarili dahil importanteng aspeto ito ng pagiging magulang. Bigyan mo ng oras ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa’yo, kung ikaw ay may asawa, mag laan ka ng oras kasama siya. Kilalanin mo rin ang mga bagay na kailangan ng anak mo at makipag-ugnayan sa ibang mga magulang na makakaintindi sa pinagdadaanan mo. Ang mga bagay katulad ng pag-meditate, exercise, o pakikipag-usap sa professional ay isang malakas at matapang na desisyon na makakatulong sa’yo.
Makakatulong din ang pagbabago ng pananaw sa mga hamon. Subukang tingnan ang mahihirap na sandali bilang pansamantala lamang o bilang mga pagkakataon para matuto, sa halip na isipin na ito ay tanda ng iyong pagkukulang. Malaki rin ang nagagawa ng maliliit na pagbabago—mag-delegate ng mga gawain sa bahay, bawasan ang extra activities, humingi ng tulong, o gawing mas simple ang iyong araw-araw na routine. Kung may kakayahan, ang pagkuha ng kaunting tulong ay makapagpapagaan ng iyong responsibilidad, ngunit maaari ring manggaling ang suporta mula sa pamilya, kaibigan, o kapwa magulang.
Ang paghasa ng parenting skills mo makakatulong para mas tumaas ang kumpiyansa mo at mabawasan ang stress. Humanap ng mga resources na nakaka-encourage, hindi yung parang hinuhusgahan ka. Bawasan din ang nais na maging perpekto—imbes na isipin na “Kailangan kong gawin lahat,” sabihin mo sa sarili mo, “Ginagawa ko ang makakaya ko.” Huwag mo ring kalimutang magpahinga kapag may chance—kahit ilang minutong paghinga nang malalim, tahimik na pag-upo, o pakikinig sa calming na music, makakatulong para ma-refresh ka.
Pinakaimportante, lagi mong balikan ang mga bagay na mahalaga. Gumawa at sulitin ang maliliit na sandali kasama ang mga anak mo, kahit simpleng pag labas o movie night sa bahay na magpapaalala ng kagandahan ng pagiging magulang. Pwede mong mahalin ang mga anak mo kasabay ng pagod at frsutration mo bilang magulang dahil normal lang naman na maranasan ang mga damdamin na ito. Ang mga bagay na ito ay hindi ka kailanman ginagawang masamang magulang dahil tao ka lang.
https://www.unicef.org/parenting/mental-health/how-reduce-stress-parentshttps://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/parenting-and-stresshttps://www.apa.org/topics/stress/parental-burnout