Kapag lagi kang pagod at ubos ang energy, naaapektuhan hindi lang ikaw kundi pati ang pamilya mo. Madaling ma-burnout, ung tipong lagi kang malungkot, hirap matulog, nawawalan ng gana, o mabilis mairita. Pero kapag inaalagaan mo ang sarili mo, mas nagiging present, patient, at masaya kang magulang. Mas may energy ka rin para sa mga anak mo.
Sabi ni Dr. Borland, kailangan marunong mag-prioritize ng self-care ang tao, pero para sa mga magulang, madalas itong napapabayaan. Mula noong pandemya, mas tumaas ang pressure na nararamdaman ng mga magulang na gawin ‘lahat para sa lahat’ sa lahat ng oras, at ito ang nagdudulot ng tuloy-tuloy na pagod, emotionally at physically.
Kapag hindi mo inalagaan ang iyong sarili, maari kang makaranas ng burnout at iba’t-ibang pang sintomas kagaya ng:
Sabi nga, kapag masaya at healthy ka, mas nagiging masaya at attentive ka ring magulang. Imbis na laging pagod at madaling mairita, mas may energy ka para makasama ang mga anak mo, kahit simpleng lakad o activities kasama sila.
Kaya subukan mong alisin yung guilt sa kagustuhan na magpahinga. Hindi mo lang ito deserve dahil kailangan mo talaga ito. Kapag inalagaan mo ang sarili mo, may magandang epekto rin ito sa buong pamilya mo.
4. Humingi ng tulong
5. Maging good example sa mga bata
6. Tanggapin ang limits mo o kung hanggang san mo lang kaya
7. Makipag-ugnayan sa kapwa magulang
8. Maglaan ng oras sa mga ibang kaibigan