Financial Management for Single Fathers

By Samantha Grace Santos

Maraming responsibilidad ang sabay-sabay na hinaharap ng mga Single Fathers, at isa sa pinaka mahalaga ay ang tamang paghawak ng pera. Ang isang mahusay na plano sa paghawak ng pera ay makakatulong sa iyo na mabayaran ang pang-araw-araw na pangangailangan, makapag handa sa mga emergency, at makabuo ng mas magandang kinabukasan para sa iyong pamilya. Upang mas maunawaan ito, nangalap kami ng impormasyon mula sa isang ina na nagtatrabaho bilang financial advisor at isang single father na accounting graduate at isa ring retired procurement and supplier management professional. Ang kanilang mga karanasan bilang magulang at kaalaman sa kani-kanilang propesyon ay nakatulong upang makagawa kami ng mga simpleng praktikal na gabay sa paghawak ng pera na maaaring maging gabay ng mga single father sa paghawak ng kanilang pera at pagbuo ng matatag na kinabukasan para sa kanilang mga pamilya.

Mga Pangunahing Kaalaman

Bago matuto tungkol sa pag-iipon o pagbubudget, makakatulong na maunawaan muna ang mga simpleng bagay tulad ng kung paano gumagana ang mga bangko, para saan ang bank account, paano gumagalaw ang pera ngayon (modernong paraan), at ang mga apps o software na maaaring magpadali sa paghawak ng pera. Kapag naintindihan mo ang mga batayan na ito, mas magiging simple ang paghawak ng iyong pera sa hinaharap.

1. What documents do you need to open a bank account in the Philippines?
  • Isang (1) valid, government-issued ID (Halimbawa: Passport, PhilSys ID, Driver’s License)
  • Kung wala ka pa nito, maaari kang mag-apply para sa isang government ID na magagamit mo sa maraming bagay.
  • Proof of address (Halimbawa: utility bill, Barangay Certificate)
  • Kung wala kang katunayan ng address, maaari kang humingi ng barangay certificate sa inyong barangay hall.
  • Tax Identification Number (TIN) (Maaaring kailanganin ito ng ilang bangko depende sa uri ng account)
  • Kung wala kang TIN, maaari kang mag-apply nito sa pinakamalapit na BIR office.
  • Initial Deposit (Magkakaiba ang halaga depende sa bangko)
  • Kung wala ka pang pera para sa initial deposit, may ilang bangko at digital banks sa Pilipinas na nag-aalok ng zero initial deposit accounts. Ibig sabihin, maaari ka nang magbukas ng account kahit wala ka pang pera.
  • 1×1 or 2×2 photo (required by some banks)
  • Specimen Signature Card (Ginagamit upang patunayan ang iyong mga transaksyon sa hinaharap)
  • Karagdagang Dokumento kung kinakailangan: Maaaring kasama rito ang impormasyon sa trabaho (employment information), pinagmulan ng pondo (source of funds), o dagdag na IDs depende sa bangko at iyong residency o citizenship status.
2. What if you can’t open a bank account yet?

 Don’t worry, you can still start saving money. There are different options depending on your needs. Saving at home safely is an option, but there are also others you can consider. You can use digital banks or e-wallets like Maya, Gcash,GoTyme Bank, Union Bank, or Tonik Bank which are easy and fast to use. You should understand how digital banks are different from traditional banks. Knowing the difference helps you choose the best option for your needs.

3. What budget methods or tools (like apps, spreadsheets, or systems) can you use?
  • Ibinahagi ng mga magulang na aming nakausap ang ilang praktikal na paraan na ginagamit nila sa tamang paghawak ng pera. May isa na nagsabing epektibo para sa kanya ang paggamit ng Microsoft Excel dahil simple ito at parang basic na accounting o bookkeeping (Credit minus Debit = Income). Mayroon ding nagrekomenda ng paggamit ng planner upang ilista ang lahat ng buwanang gastusin at kita, na nakatutulong para masubaybayan ang paggastos at makapagplano nang maayos.

Pagba-budget, Pag-iipon, at Pagpaplano para sa Kinabukasan

Ang pang-araw-araw na paghawak ng pera ay mahalaga, lalo na para sa mga single parent na sila lamang ang umaako sa lahat ng responsibilidad. Ang maayos na pagba-budget, pag-iipon, at pagpaplano ay makatutulong sa mga single father na mapangalagaan ang kanilang pamilya at masiguro ang kinabukasan ng kanilang anak.

Pagba-budget at Pagpaplanong Pinansyal

Ang unang hakbang ay ang pagtatala ng lahat ng kita at gastusin, kabilang ang sahod, sideline, at iba pang pinagkakakitaan. Pagkatapos nito, gumawa ng buwanang budget batay sa pangangailangan ng pamilya. Ayon sa isang ama na aming nakapanayam, nagagawa niyang mapagkasya ang kanyang kita sa pamamagitan ng maingat na pagsubaybay sa bawat gastos, pagbabawas ng hindi kailangang paggastos, paggamit ng tulong mula sa pamahalaan, pagbuo ng emergency fund, at pagtatakda ng malinaw na layuning pinansyal.

  • Subaybayan ang kita at gastusin sa loob ng ilang buwan upang makita kung saan napupunta ang pera.
  • Unahin ang mahahalagang gastusin tulad ng bahay, pagkain, bayarin, insurance, at utang.
  • Bawasan ang paggastos sa mga hindi kinakailangang bagay.
  • Mag-ipon para sa emergency fund—hangaring magkaroon ng ipon na katumbas ng 3–6 buwan ng mahahalagang gastusin.
  • Unahin ang pagbabayad ng mga utang na may mataas na interes.
  • Sundin ang 50/30/20 rule: 50% para sa pangangailangan, 30% para sa kagustuhan, at 20% para sa ipon.

Edukasyon at Pangmatagalang Pagpaplano

  • Ang pag-iipon para sa edukasyon ng iyong anak ay maaaring mukhang mahirap sa simula, ngunit ang maagang pagsisimula at tuloy-tuloy na pag-iipon ay may malaking epekto. Ayon sa isang amang aming nakausap: “Huwag mong ipagpaliban ang pag-iipon—magsimula ka agad hangga’t maaari, kahit bago pa ipanganak ang iyong anak, at subukang dagdagan ang iyong hulog bawat taon.”

Narito ang ilang praktikal na hakbang:

  • Maglaan ng tiyak na halaga bawat buwan para sa edukasyon ng iyong anak. Kahit maliit na halaga ay naiipon sa paglipas ng panahon.
  • Gawing automatic ang pag-iipon upang hindi ito makalimutan.
  • Pumili ng angkop na savings o insurance plan at unawaing mabuti kung paano ito gumagana.
  • Humingi ng tulong sa pamilya sa pagplano at pag-iipon.
  • Turuan ang iyong anak na mag-ipon at magbahagi kung kaya na niya.
  • Maaaring magbigay ang mga kaibigan at kamag-anak ng kontribusyon sa education fund sa halip na mga regalo.
  • Kumonsulta sa financial expert para sa mas maayos na gabay.
  • Isaalang-alang ang life insurance o education plans para sa karagdagang proteksyon—siguraduhing suriin ang coverage, gastos, at benepisyo.