APPLY FOR A SOLO PARENT ID

Ang mga solo parent ay tumatanggap ng iba’t ibang benepisyo tulad ng diskwento sa mga pangunahing bilihin, flexible na work arrangements, bayad na parental leave, at prayoridad na access sa pabahay, edukasyon, at mga livelihood programs. Maaari rin silang makatanggap ng financial aid, medical support, at counseling upang mas matulungan silang harapin ang mga hamon ng pagpapalaki ng anak nang mag-isa.

6-min read

BENEPISYO

  • Flexible Work Schedule
    • Hinihikayat ang mga employers na bigyan ng maluwag o nababagong iskedyul ng pagtrabaho ang mga solo parents upang matulungan sila sa pagbalanse ng pagtatrabaho at pag-aalaga sa kanilang anak/mga anak.
  • Parental Leave
    • Ang nga solo parents ay mayroong pitong (7) araw ng parental leave kada taon (hindi maaaring ipalit sa pera at hindi naiipon).
  • Tulong Pang-edukasyon
    • Maaaring makatanggap ng scholarship o tulong pang-edukasyon ang mga anak ng solo parents
  • Price Reductions
    • Ayon sa RA 11861, maaaring makakuha ang solo parents ng discount sa mga bilihin mula sa drugstore, parmasya, grocery, at iba pang katulad na tindahan.
  • Tulong Pinansyal
    • Ang mga kwalipikadong solo parent na kumikita ng minimum wage ay makakatanggap ng ₱1,000 monthly cash subsidy.

TINGNAN KUNG IKAW AY KWALIPIKADO

Maaari kang mag-apply para sa Solo Parent ID kung ikaw ay:

Isang babae na nabuntis dahil sa rape o mga similar na krimen na piniling palakihin ang anak.

Isang magulang na naiwang mag-isa gawa ng:

    • pagkamatay ng asawa
    • pagkakulong ng asawa nang higit sa 1 taon
    • mayroong kapansanang pisikal o mental ang asawa (may medical certification galing sa pampublikong doktor)
    • Legal o de facto na paghiwalay nang hindi bababa sa 1 taon, kasama ang child custody
    • Anullment o nullity ng kasal, kasama ang child custody

Isang hindi kasal na ama o ina na piniling magpalaki ng bata

Sinumang tao na nag-iisang nagbibigay ng pangangalaga o suporta sa isa o higit pang bata.

IHANDA LAHAT NG KINAKAILANGANG DOKUMENTO

 

PROOF OF STATUS BILANG SINGLE PARENT

  • PSA Death Certificate (kung patay na ang asawa)
  • Jail Records/Certificate of Detention (kung kulong ang asawa)
  • Medical Certificate galing sa pampublikong doktor (kung may kapansanan ang asawa)
  • Legal na dokumento para sa separation, annulment, or nullity
  • PSA CENOMAR

PROOF OF INCOME

  • ITR o kahit anong dokumento na nagpapakita ng kita
  • Certificate of Indigency (kung naaangkop)

PROOF OF RESIDENCY

  • Barangay Certificate o kahit anong government ID na may address

PROOF OF CUSTODY

  • PSA Birth Certificate ng anak/mga anak

IBA PANG SUMUSUPORTANG DOKUMENTO (KUNG HIHINGIN NG DSWD)

  • Medical Certificate ng solo parent at/o anak na mayroong special needs
  • Certificate of employment
 
 

PANO MAG-APPLY

  • Bisitahin ang pinakamalapit na DSWD office o tingnan ang website ng inyong LGU para sa application form. Ang ibang mga LGU ay tumatanggap ng online application.
  • Punan ang form at ilakip lahat ng mga ikinakailangan na dokumento. Magdala ng mga orihinal at photocopy.
  • Isumite and iyong aplikasyon at magtanong tungkol sa tagal o oras ng pagproseso.

MGA MAHALAGANG PAALALA

  • Ang Solo Parent ID ay may bisa na 1 taon at kinakailangang i-renew sa DSWD.
  • Ito ay isang valid government-issued ID para sa pampubliko at pribadong transaksyon.
  • Maaaring bawiin ang ID kung ang solo parent ay mag-aasawa o muling mag-aasawa.
  • Hindi na maaaring makatanggap ng benepisyo kung ang anak/mga anak ay ipinaampon.
  • Ang parental leave ay naaangkop lamang kung ang trabahante ay may higit sa 1 taon na serbisyo.
  •  

MAGBASA PA NG IBA DITO