SINGLE PARENTING TIPS

Ang pagpapalaki ng mga anak ay hindi kailanman madali, at mas may ibang bigat kapag ginagawa mo ito mag-isa. Kahit pa tumatanda ang mga anak mo, hindi nawawala ang responsibilidad—nagbabago lang ito, pati na rin ang lakas na kailangan para patuloy kang humarap at magpatuloy araw-araw

Iniulat ni: Samantha Santos                                                            5-min read

BENEPISYO

Kapag binasa mo ang artikulong ito, matutulungan kang mapalalim ang relasyon mo sa iyong mga anak, mas maayos mong ma-manage ang oras at mga responsibilidad, at harapin ang mga hamon tulad ng paghihiwalay nang may katapatan at pag-unawa. Tutulungan ka rin nitong makabuo ng healthy na routines, maglaan ng oras para sa self-care, manatiling emotionally present, at mag-reflect sa iyong pagiging magulang para mas maging confident at intentional ka. Sa kabuuan, makakatulong ito sa pagsuporta sa kapakanan ng iyong mga anak habang mas napapalakas at nababalanse mo ang sarili mo bilang isang single parent.

 

Ang pagpapalaki ng mga anak ay isang hamon, ngunit mas nagiging iba ito kapag ginagawa nang mag-isa. Kadalasang napupunta sa mga single parent ang mga tungkulin at responsibilidad na maaaring hindi pa nila naranasan noon. Kahit patuloy ang pag-aangkop sa bagong gampanin, hindi humihinto ang pagiging magulang habang lumalaki ang mga anak.

Narito ang ilang simple at praktikal na mga tip na makatutulong sa mga single parent sa kanilang sitwasyon sa pamilya.

Magtakda ng malinaw na alituntunin at hangganan sa mga anak
  • Mahalaga ang disiplina sa pagpapalaki ng anak. Nakakatulong ang malinaw na rules para maramdaman ng mga bata ang seguridad at para mas maging maayos ang pag-uugali nila.
Maging bukas at maayos na kausap ng iyong mga anak
  • Ikaw ang pangunahing sandigan ng iyong mga anak. Kapag nakikinig ka nang maayos at walang paghusga, mas nagkakaroon ng tiwala at lakas ng loob ang mga anak na magbahagi ng kanilang nararamdaman.
Pamamahala ng oras nang maayos
  • Bilang single parent, kailangang hatiin ang oras sa trabaho, bahay, at pamilya. Ang tamang pagplano ng oras ay nakakatulong para makapaglaan ng quality time sa mga anak.
Magkaroon ng regular na routine sa bahay-
  • Ang routine ay nakakatulong para mas maging maayos ang araw-araw na gawain. Nagiging malinaw sa mga anak kung ano ang dapat gawin at nababawasan ang kalituhan at away.
Humingi ng tulong kapag kinakailangan
  • Huwag matakot humingi ng suporta mula sa pamilya o kaibigan. Malaking tulong ang kahit simpleng tulong para mabawasan ang bigat ng responsibilidad.
Makipag-usap nang maayos tungkol sa paghihiwalay (kung meron man)-
  • Kung may paghihiwalay sa pamilya, mahalagang ipaliwanag ito nang mahinahon at tapat. Iwasan ang sisihan at siguraduhing alam ng mga anak na hindi nila ito kasalanan at mahal pa rin sila ng parehong magulang.
Alagaan ang sarili
  • Mahalaga ring bigyan ng oras ang sarili. Ang pag-aalaga sa sariling kalusugan at kapakanan ay nakakatulong para mas maging maayos at matiyagang magulang.
Pag-isipan at suriin ang sariling paraan ng pagiging magulang
  • Makakatulong ang pagninilay sa iyong ginagawa bilang magulang upang malaman kung ano ang gumagana at kung ano pa ang kailangang ayusin para mas maging epektibo.
Laging maging present sa pisikal at emosyonal na paraan

Hindi sapat na naroon ka lang sa bahay; mahalaga na ramdam ng mga anak ang iyong presensya. Mahalaga ang pagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng pagdalo sa mga school events, pagiging nasa oras, pakikinig sa kanilang mga kwento, at pagpapakita ng tunay na interes sa kanilang buhay. Malaking bagay ang mga simpleng ito upang maramdaman nilang sila ay mahal at suportado.

Maging totoo sa sarili

Hindi kailangang maging perpektong magulang. Patuloy ka ring natututo at nagiging mas mabuti sa paglipas ng panahon. Ang mahalaga ay ang pagiging totoo at ang pagsisikap na maging mabuting magulang para sa iyong mga

MAGBASA PA NG IBA DITO